Cover image for Ang bisa ng pag-uulit sa katutubong panitikan
Title:
Ang bisa ng pag-uulit sa katutubong panitikan
Publication Date:
2023
Publication Information:
Quezon City : Ateneo de Manila University Press, [2023]

©2023
Physical Description:
309 pages : illustrations ; 23 cm
ISBN:
9786214482900
Abstract:
"Binabalikan ng kasalukuyang pag-aaral ang katangian ng pag-uulit sa katutubong panitikan nang ginagamit na primaryang teksto ang nanang ni Taguwasi, suguidanon ni Humadapnon, at hlolok ni Tud Bulul. Nagiging batayan ang galaw ng pag-uulit upang makapaglarawan ng poetika ng pag-uulit na magagamit sa pagkaunawa ng proseso ng malikhaing produksiyon sa katutubong panitikan. Naghahain dito ng isang paraan kung paano kaya maaaring mabalikan ang mga pag-aaral sa estetika nang hindi ulit nagpapakulong sa mga dualismo ng anyo/nilalaman at sining/propaganda na matagal nang kinahiratihan ng mga metodo ng panunuring pampanitikan sa bansa. Isinasakatuparan ang ganitong proyekto sa pamamagitan ng pag-uugnay ng poetika ng pag-uulit sa mga kategorya ng galaw (movement) at kasidhian (intensity), na naglalarawan ng mga pagpapadaloy ng proseso sa halip na pagbubuo ng mga estruktura ng pagsusuri. Sa pagtingin sa katutubo at moderno, pabigkas at pasulat bilang magkatuluyan, ipinapanukalang dalhin ang poetika ng pag-uulit sa pagpapahalaga din sa mga modernong anyong pampanitikan tulad ng maikling kuwento at nobela. Sa huli, matatagpuan dito ang isang proyekto ng dekolonisasyon na nagsisikap mabigyan ng higit na pangunahing papel ang katutubong panitikan, partikular ang anyong epiko, sa paghubog ng pambansang panitikan at pagtasa ng mga kontemporanyong malikhaing produksiyon."--Back cover.

"The current study revisits the nature of repetition in folk literature using Taguwasi's nanang, Humadapnon's suguidanon, and Tud Bulul's hlolok as primary texts. The movement of repetition becomes the basis to describe a poetics of repetition that can be used to understand the process of creative production in folk literature. It presents a way in which aesthetic studies can be revisited without once again being imprisoned by the dualisms of form/content and art/propaganda that have long plagued the methods of literary criticism in the country. Such a project is carried out by relating the poetics of repetition to the categories of movement and intensity, which describe the flow of the process rather than the formation of structures of analysis. Viewing the indigenous and the modern, the spoken and the written as one, it is proposed to bring the poetics of repetition to the appreciation of modern literary forms such as the short story and the novel. Ultimately, one finds here a project of decolonization that strives to give indigenous literature, particularly the epic form, a more central role in the shaping of national literature and the assessment of contemporary creative productions."--Back cover (translation).

On history and criticism on Philippine folk literature.
Language:
Filipino
Additional Language:
In Tagalog (Filipino).
Holds: